Tuesday, September 17, 2019

talumpati tungkol sa pag ibig

balikan.

Pagkatuto sa Pag-Ibig

“Don’t look for LOVE let LOVE look for you”, isang linyang galing sa isang palabas na naging bukang bibig ko na din. Madalas pag may humihingi sa kin ng payo yan ang sinasabi ko. Tama nga naman kasi, wag mong hanapin ang pag-ibig, hayaan mong sila ang humanap sayo. Kabaliktaran naman sa sinasabi nilang, ” Paano mo makikita ang taong para sa yo kung hindi ka gagawa ng paraan para makita siya? ” Tama nga din,kailangan mong ding gumawa ng paraan para hanapin kung sino man ang taong nakatadhana sayo. Ngunit, magulo, napakagulo ng mundo ng pag-ibig.. Maraming matalinhaga na may kaakibat na kabaliktaran katulad ng :
– Mahal mo , hindi ka mahal, tapos yung hindi mo mahal, mahal ka.
– Manhid siya, tanga ka
– Hinahanap mo ang taong tama para sayo, pero sa mali ka nahulog.
– Taong kinaiinisan mo noon, pero taong minamahal mo ngayon
– Moved On sa salita, pero hindi sa gawa.
– Pinagpupuyatan mo para lang sagutin ka, tapos pag kayo na, binabalewala mo na.
– Minamahal mo ng patago, takot kang umamin pero mahal ka rin pala at kung kelan huli na, wala na may mahal na siyang iba.
– Love as an inspiration, Love as a destruction.
– Pangakong napapako at sinusulat sa tubig.
– At syempre, pagmamahal ng kaibigan na matakot sabihin ang nararamdaman dahil sa pagkakaibigan.
Mga talinhaga ng pag-ibig para sa mga kabataan na tulad ko.Siguro nga, masyado nang nalulong kaming mga kabataan sa PAG-IBIG, maaring masama, maari ring mabuti ang naidudulot. Tulad sa pag-aaral, masasabing masama kung nagiging sagabal at nakakasira ito. Yun tipong mas inuuna ang “LABLYF” kung tawagin kesa sa pag-aaral.Mabuti naman kung ito ay nagiging inspirasyon, yun tipong matataas ang grades, nagpapakitang gilas para sa kanyang iniibig, yun maganda yun.Syempre,hindi mawawala sa masamang naidudulot ng PAG-IBIG ang pagiging batang ina at batang ama at yun ang pinakamalala sa lahat.
Marahil, lahat naman ng aming pagkakamali lalo na pagdating sa pag-ibig ay meron kaming aral na napupulot o sabihin na nating meron kaming pagkakatuto. Sabi nga, ” Mistakes are made for us to realize what is right” , sa bawat pagkakamali namin, nandyan din yung pagkatuto. Pagkatuto kung saan hindi lang namin itatanim sa isip at puso namin, bagkos sasamahan namin ng gawa.
– Natutunan na ang Pag-Ibig hindi minamadali, kailangan hinihintay ang tamang oras at panahon na kung saan doon ibibigay ang buong pagmamahal .Kung dumating man ang maling tao, at hindi napigilan ang nararamdaman, mamahalin yong taong yun ngunit magtitira sa sarili para kung dumating man ang tamang tao meron pa kaming maibibigay.
– Na ang Pag-Ibig ay hindi isang laro, ito ay isang seryosong bagay na hindi namin kailangan madaliin.
– Na ang Pag-Ibig ay kailangan maging isang inspirasyon sa amin hindi isang destruksyon
– Na ang Pag-Ibig ay isang emosyon na maaring magpabago ng isang indibidwal.
– Na kakambal ang PAG-IBIG ang PAGKABIGO, kaya kailangan handa kang masaktan at handa kang magparaya kung kinakailangan.
Siguro nga, hanggang ngayon ang PAG-IBIG ay isa sa malaking problema ng kabataan ngayon, subalit parte na yun ng buhay. Lahat tao nagmamahal, siguro yung iba sa maling panahon, maling oras at maling pagkakataon. Ngunit dadating ang panahon na magmamahal din tayo, masasaktan at sa huli maaring maging masaya, nasa pagtanggap lang yan, kung paano mo tatanggapin ang taong nagmamahal sayo, kung paano mo tatanggapin lahat lahat sa kanya at kung paano mo tatanggapin ang pag-ibig na nakalaan sa yo.Walang taong hindi nagmamahal at hindi nasasaktan dahil magkakambal ang PAG-IBIG at PAGKABIGO. Pero ito lang ang masasabi, hanggang may nagmamahal sayo, wag kang magsasawang mahalin din ang taong mahal mo, hindi ka man niya mahal, dadating ang taong mamahalin ka ng buong-buo at duon mo ibigay ang pagmamahal mo ng walang labis at walang kulang hi

talumpati tungkol sa magsasaka

Madungis, pangit, mabaho, yagit at kung anu-ano pa. Iilan lang naman yan sa napakaraming negatibong bagay na siyang ating napapansin at nasasabi habang tinitignan natin ang kanilang sitwasyon. Ma-limit nating hindi maunawaan ang kahalagahan  ng kanilang paghihirap, na sa likod nito’y napakalaking kontribusyon sa ating bansa. Wala tayong malawak na kaisipan, lagi nating minamaliit ang kanilang ginagawa at ang masaklap, kino-konsiderang isa sa pinaka mababang lebel sa pagtatrabaho ang pagsasaka, hindi man lang natin mailagay sa ating mga isip, ano kaya ang magiging larawan ng bansang ito kung kung wala sila?

Ano nga ba ang mai-pag-mamalaki natin sa ekonomiya ng Pilipinas? Gaano ba kahalaga ang ginagawa natin ngayon? Iyan bang magagandang uniporme mo? Iyan bang malilinis na mukha na humaharap sa mga customer at sa madla? O, hindi naman kaya, ang pag-ma-may-ari mo ng isang negosyo sa syudad? Tama! Ang mga bagay na iyon ay dapat nga namang ipagmalaki, subalit, napakalaking impluwensya ang mga aspetong ito upang ating makalimutan at mabalewala ang kahalagahan ng ating magsasaka. Isipin mo, kung tayong lahat, kung silang lahat ay dito na magtatrabaho sa lungsod, sino na nga lang ba ang maiiwan sa bukid na syang mag babahagi ng pangunahing pangangailangan natin? Naiisip ba natin na ganun na lang ka importante ang mga produktong agrikultura? Sila lang naman ang dahilan kung bakit nakakakain pa tayo ng kanin, prutas at gulay, at nang dahil dito, yumayaman an gating ekonomiya sa napakaraming produktong agrikultura na inaangkat sa ibang bansa, higit sa anupaman.

Napakalawak at sobrang laki ang na-i-ambag at ma-i-aambag ng ating mag magsasaka; sa ating komunidad, sa ating bansa, at sa buong mundo, kaya nararapat lamang na bigyan natin sila ng pagpupugay at halaga bilang kapalit ng kanilang pagpapakahirap sa kabukiran. Ang pagiging marumi sa paningin, yung mga paang mapuputik, mga tsinelas na kay nipis, mga gutay-gutay na damit at ang mga pawis na hindi natutuyo ay ang mga simbolo kung bakit mapa-hanggang ngayon, tayo ay nakakakain, may masisigla at malalakas ang katawan. Huwag nating kalilimutan, lagi nating ilagay sa ating kaisipan, na ang pagbibigay halaga ay napakalaking bagay na upang sila ay hindi mapapagod na magbahagi ng mga produktong agrikultura at higit sa lahat, ang buhay.

talumpati tungkol sa kapaligiran

Narito ako ngayon upang talakayin ang mga hindi nawawalang isyu na tungkol sa kalikasan. Napakalaki ng pangangailangan ng tao sa kalikasan.
Ang tubig na ating iniinum, karne, gulay, isda at iba pang pagkain na hinahain sa ating mesa, at ang mga materyales na ginagamit sa paggawa ng ating mga kabahayan ay nagmumula lahat sa kalikasan.
Bukod sa pagpunan sa ating mga pangunahing pangangailangan, kalikasan din ang ating pinagkukuhanan ng mga iba-ibang mineral at sangkap upang gamitin sa paggawa ng produkto na ikinakalakal ng ating bayan tulad ng tela, alahas at bakal. Bagkus, nararapat lamang na ating pahalagahan ang ating pinagkukuhanan ng mga likas na yaman.
Iwasan ang maging mapagsayang sa kahit anong yaman na kinukuha sa kaliksanan. Maaari kayong magsimulang tumulong sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw tuwing hindi ito ginagamit. Sa paraang ito lamang ay makakatulong kayong mapapababa ng carbon na ibinubuga ng mga planta ng kuryente.
Isa pang simpleng paraan ay ang paggamit ng baso tuwing nagsisipilyo upang makatipid ng konsumo ng tubig. Sa sangkaestudyantehan, huwag sayangin ang papel. Kung maaari ay gumamit ng scrap paper upang mabawasan ang pagputol ng puno.
Bukod sa pagtitipid ng tubig at iba pang yaman galing kalikasan, importante rin na maging mapalinis. Maaaring gas-gasan na ang mga katagang “huwag magtapon ng basura kung saan-saan” ngunit ito sana ay inyong isapuso dahil ang bawat pakete ng pagkain o ng kung ano mang prinosesong produkto ay naiipon at bumabara sa mga estero, ilog at iba pang daluyan ng tubig.
Hindi lamang pagbabara ng mga kanal ang naidudulot ng iresponsableng pagtatapon ng basura sapagkat maaari rin itong maging mitya ng buhay ng mga halaman at mga hayop na nakatira sa mga ilog, dagat, sapa at iba pang anyong tubig.
Kung tutuosin ay napakaraming mumunting paraan upang makibahagi sa pagtulong sa ating Inang Kalikasan. Ang nakalulungkot lamang ay tila maraming bata at matanda ang walang inisiatibo upang mabago ang kasalukuyang sitwasyon ng ating kapaligiran.

Talumpati Ng Hayop

Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop sa buhay nating mga tao . Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga, libangan, pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain at katulong sa paghahanap-buhay. Tinagurian pa ngang 'man's bestfriend' ang mga alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan.

Ang mga hayop kagaya ng aso at pusa ang madalas na ginagawa nating alaga sa bahay. Malaki ang naiaambag nilang tulong sa buhay nating mga tao, ang aso ang ginagawang bantay sa bahay at ginagamit ng pulis sa pagtukoy ng bomba sa pamamagitan ng matalas nitong pang amoy. Habang ang pusa naman ay nakakatulong sa pagpatay ng mga peste sa loob ng bahay. May mga hayop rin na pinagkukunan natin ng pagkain kagaya ng itlog galing sa manok, karne galing sa baboy, baka, kambing at maraming pang iba.

Karapatan ng mga hayop na mahalin at alagaan. Karapatan nilang mabuhay, pakainin, linisan at bigyan ng kaukulang pansin dahil sila ay gawa rin ng ating Poong Maykapal katulad nating mga tao. Marami sa atin ang itinuturing na bahagi ng pamilya ang mga ito ngunit sa kasamaang palad marami din sa atin ang nilalabag ang kanilang karapatan.

Mga kaibigan, ito lamang ay paalala na huwag nating abusuhin ang karapatan ng hayop tignan niyo na lang ang malaking papel na ginagampanan nila sa ating buhay.Tratuhin natin sila ng wasto at ng may pagmamahal na parang isang pamily ng sanggayon ay magkaroon tayo ng maunlad at maayos na pamumuhay.